Sino ba ang nagliligtas sa tao?

English

Sino nga ba ang nagliligtas sa tao mula sa kanilang mga kasalanan? Ang Diyos lamang ba o meron pang iba? Kaya ba ng isang mas mababa sa Diyos ang iligtas tayo mula sa ating kasalanan?

Itinuturo ng Banal na Kasulatan na ang Ama, Anak, at Banal na Espiritu ay may kakayahang iligtas ang makasalanang tao. Kapag atin pa itong susuriin, makikita natin na ang ibig sabihin nito ay ang Ama, Anak, at Banal na Espiritu ay Diyos.

Ang Ama ay nagliligtas.

Jude 1:25 (ADB) - Sa iisang Diyos na ating Tagapagligtas, sa pamamagitan ni Hesu-Kristo na ating Panginoon, ay sumakaniya nawa ang kaluwalhatian, ang karangalan, ang paghahari, at ang kapangyarihan, sa kaunaunahang panahon, at ngayon at magpakailan man. Siya nawa.

Sinasang-ayunan ng Iglesia ni Cristo (INC) na ang Ama ay tagapagligtas; maraming ulit na sinasabi ng Bibliya na tayo ay inililigtas ng Ama.

Ang Banal na Espiritu ay nagliligtas.

Jude 1:25 (ADB) - Sa iisang Diyos na ating Tagapagligtas, sa pamamagitan ni Hesu-Kristo na ating Panginoon, ay sumakaniya nawa ang kaluwalhatian, ang karangalan, ang paghahari, at ang kapangyarihan, sa kaunaunahang panahon, at ngayon at magpakailan man. Siya nawa.

Ang Banal na Espiritu ay nagliligtas.

Titus 3:5 (ADB) - Kaniyang iniligtas tayo, sa pamamagitan ng paghuhugas sa muling kapanganakan at ng pagbabago sa Espiritu Santo.

Romans 8:11 (ADB) - Nguni't kung ang Espiritu niyaong bumuhay na maguli kay Jesus ay tumira sa inyo, ang bumuhay na maguli kay Kristo Hesus sa mga patay ay magbibigay buhay naman sa inyong mga katawang may kamatayan, sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu na tumitira sa inyo.

Itinuturo ng Bibliya na ang isang tao ay naliligtas sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Ginagampanan ng Banal na Espiritu ang muling kapanganakan ng isang makasalanang tao at ang pagbibigay sa kaniya ng isang pusong laman (heart of flesh) upang ibigin ang Diyos.

Si Hesu-Kristo ay nagliligtas

Luke 2:11 (ADB) - Sapagka't ipinanganak sa inyo ngayon sa bayan ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Kristo ang Panginoon.

I Timothy 1:15 (ADB) - Tapat ang pasabi, at nararapat tanggapin ng lahat, na si Kristo Hesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan

Wala nang mas lilinaw pa sa Bibliya kaysa sa katotohanang si Hesu-Kristo ay tagapagligtas. Namatay siya sa krus upang iligtas ang tao, at napakaraming pagkakataon sa Banal na Kasulatan na siya ay tinatawag na ating Tagapagligtas.

Tanging ang Diyos lamang ang nagliligtas.

Isaiah 43:11,13 (ADB) - 11 Ako, sa makatuwid baga'y ako, ang Panginoon; at liban sa akin ay walang tagapagligtas... 13 Oo, mula nang magkaroon ng araw ay ako nga; at walang sinomang makapagliligtas sa aking kamay.

Itinuturo ng Banal na Kasulatan na tanging ang Diyos lamang ang may kapangyarihan upang tubusin ang kaluluwa – tanging ang Diyos lamang ang nagliligtas. Paano natin ito papagkakasunduin sa katotohanang si Hesu-Kristo at ang Banal na Espiritu ay parehong nagliligtas sa mga mananampalataya? Ang tanging paraan ay ang ipahayag na ang Ama, ang Banal na Espiritu, at ang Anak ay lahat YHWH, ang tunay na Diyos, ang siyang nagliligtas.

Si Hesus at ang Banal na Espiritu ang nagpapalago.

Maaring mangatwiran ang ilan na ang iba rin naman ay may ginagampanan sa kaligtasan sa pamamagitan ng pamamahagi ng mabuting balita at pagtuturo. Subalit, sinasabi sa Bibliya na sinumang kalahok sa ebanghelismo ay hindi malaking bagay sa kaligtasan.

1 Corinthians 3:6-7 (ADB) – 6 Ako ang nagtanim, si Apolos ang nagdilig; nguni't ang Diyos ang siyang nagpalago. 7 Ano pa't walang anoman ang nagtatanim, ni ang nagdidilig; kundi ang Diyos na nagpapalago.

Di gaya nila Pablo at Apolos, hindi maliit na bagay ang ginagampanan ni Hesus at ang Banal na Espiritu sa gawain ng kaligtasan. Naninindigan si Pablo na tanging ang Diyos lamang ang nagdudulot ng paglago at tanging ang Diyos lamang ang kayang gumanap ng tunay na pagbabago. Kapag si Hesus at ang Banal na Espiritu ang nagligtas, sila ay nagdudulot ng tunay na paglago, sila ang tunay na gumaganap sa gawain ng kaligtasan sa kalooblooban ng tao, hindi kagaya ng paglilingkod nila Pablo at Apolos na panlabas lamang.

Konklusyon

Hindi tinatanggap ng “Iglesia Ni Cristo” ang katuruang galing sa Bibliya at sinasabing ang Trinity ay isang doktrinang inimbento lamang. Subalit, gaya ng ating makiktia sa gawain ng kaligtasan, ang Ama, Anak, at Banal na Espiritu ay mga kalahok sa dakilang gawaing ito ng Diyos, na nagpapatunay na silang lahat ay ang nagiisang, totoong, Diyos.

Psalm 49:7,15 (ADB) - 7 Wala sa kaniyang makatutubos sa ano pa mang paraan sa kaniyang kapatid, ni magbibigay man sa Diyos ng pangtubos sa kaniya...15 Nguni't tutubusin ng Diyos ang aking kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol.