Si Martin Luther nga ba ang ikalawang angel ng Pahayag 14:8?

English

Tinuturo ng “Iglesia Ni Cristo” na ang “ikalawang angel” ng Pahayag 14:8 ay si Martin Luther[1] sa kadahilanang ipinahayag niya na ang Simbahang Katolika Romana ay huwad na relihiyon, siya ang nagpahayag na ang babilonia ay bumagsak. Si Martin Luther nga ba ang tinutukoy ng Pahayag 14:8?

Pahayag 14:8 (FSV) – 8 At ang pangalawang anghel ay sumunod na nagsasabi, “Bumagsak, bumagsak ang dakilang Babilonia! Pinainom niya ang lahat ng bansa ng alak ng poot ng kanyang imoralidad.”

Sa halip na pumosisyon tayo sa wastong pag-unawa ng propesiya na ito, ang layunin ng artikulong ito ay ipakita na ang posisyon ng INC ukol dito ay nagpapatunay na mali sila anuman ang tamang unawa sa talatang iyon.

Kung ang anghel ay hindi si Martin Luther, Nangangahulugan na mali ang INC.

Malinaw naman, kung ang anghel ay hindi nga si Martin Luther, Ibig sabihin ay mali ang pakahulugan ng INC sa talatang ito.

Subalit hindi maaring magkamali ng pakahulugan o unawa ang INC sa mga talata ng biblia sapagkat sila nga daw ay mga Sugo ng Diyos, at kung sila ay magkamali ng pakahulugan, malalabag ang doctrina nila na sila ay Sugo ng Diyos samakatuwid kung ang unawa ng INC sa Pahayag 14:8 ay mali, hindi na sila maaring maging tunay na iglesia.

Kung ang Anghel ay si Martin Luther, Nangangahulugan na mali parin ang INC.

Narito ang mas kaaya-aya na sitwasyon. Sabihin na natin na, si Martin Luther nga ang ikalawang anghel ng Pahayag 14:8 alang-alang sa argumento, nangangahulugan ito na siya ay isang Sugo ng Diyos. Ang mensahe nga ba ni Martin Luther bilang isang tunay na sugo ng Diyos ay sumasang-ayon sa doktrina ng INC?

Hinde! Itinuro ni Luther na sa pamamagitan ng pananampalataya lamang tayo itinuturing na matuwid at hindi sa kahit anong gawa!

“Ngayon ang Ebanghelyo ay tayo nga’y nabigyang- katwiran sa pamamagitan ng pananampalataya lamang at hindi sa pamamagitan ng gawa. Ang huwad na Ebanghelyo ay tayo nga’y nabigyang-katwiran sa pamamagitan ng pananampalataya ngunit kailangan din ng gawa. Ang mga huwad na apostol ay nangangaral ng may kundisyon. ...
Lahat ng nangagsasabi na hindi tayo itinuturing na matuwid sa pamamagitan lamang ng pananampalataya kay Cristo, ginawa nilang ministro ng kasinungalingan si Cristo, Tagapangaral ng batas, at punong malupit na nangangailangan ng imposible. Ginawa nilang tagapagbigay ng bagong batas ang Cristo. ...
Meron tayong sapat na arumento ngayon ditto para patunayan na ang katuwiran ay sa pamamagitan lamang ng pananampalataya. Paanong maapektohan ng batas ang pagbigay ng katuwiran sa atin, gayong malinaw na ipinahayag ni Pablo na dapat tayong patay sa Batas kung gusto nating mabuhay sa Diyos? Kung tayo ay patay sa batas at ang batas ay patay sa atin, paano itong makaka tulong sa ating katuwiran? Wala nang iba pang dapat gawin kundi ang maging matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya lamang.“[2]

Mula sa pananaw ng INC, paanong magiging sugo ng Diyos kung tinatawag niya na ang INC ay may huwad na ebanghelyo? Kung sinasabi ng INC na sugo siya ng Diyos, tinawag nilang huwad ang kanilang sarili.

Konklusyon

Pinatunayan ng mismo ng INC na sila ay huwad na relihiyon, kahit anuman ang tamang pang unawa sa pahayag 14:8. Kung si Martin Luther ay hindi ang ikalawang anghel, Walang karapatang magturo ang INC ng Biblia. Kung si Martin Luther nga ay ang ikalawang anghel, samakatuwid ay bilang sugo ng Diyos itinituro niya sa atin na ang INC ay may huwad na ebanghelyo.


[1] See "The Only True Church of Christ", Pasugo Oct 2013 vol 65 num 10

[2] Luther, Commentary on Galatians