Pinatutungkulan ba ng Diyos Ama ang Anak na Diyos sa Hebreo 1:8?
Sa halos lahat na salin ng Bibliya, pinatutungkulan ng Ama ang Anak na Diyos sa Hebreo 1:8.
Hebreo 1:8 (AB-TAG) - Ngunit, tungkol naman sa Anak ay sinasabi niya
"Ang iyong trono, O Diyos, ay magpakailanman,
at ang setro ng katuwiran ang siyang setro ng iyong kaharian." Subalit, may ilang mga samahan gaya ng "Iglesia Ni Cristo" ay nag-aalinlangan sa ganitong pagkakaunawa sa talata at nagmumungkahi ng alternatibong mga salin[1]. Kanilang sinasabing sa halip na "Ang iyong trono, O Diyos", nararapat nitong sabihin na, "Ang Diyos ang iyong trono". Ang ganoon bang alternatibong salin ay wasto?
Ang INC ay sumasangguni sa maling sanggunian.
Sinasabi ng INC na ang The Complete Bible: An American Translation ay naglalaman ng tamang pagkakasalin ng talata. Makatwiran bang pagbasihan ang sangguniang ito? Si
Dr. Goodspeed, ang may akda sa saling ito, ay ginawa ang pagsasalin sa kaniyang sarili lamang at hindi sumailalim sa masusing pagsisiyasat ng kapwa niya mga iskolar. Lahat ng mga pangunahing salin ay nailimbag sa pamamagitan ng napakaraming mga iskolar na sama-samang nagtutulungan upang mapanatili ang katapatan ng salin sa orihinal na wika, at sila ay dumating sa konklusyon na ang talatang ito ay pinatutukuyan si Hesus na Diyos.
Ipinapalagay ng INC na ang talatang ito ay hindi maaaring tawagin ang anak na Diyos.
Ang pangunahing dahilan ng INC kung kaya hindi maaaring tawagin ng talatang ito na ang Anak ay Diyos ay dahil sinasalungat nito ang kanilang ipinapalagay na uri ng Diyos na itinuturo ng kasulatan. Sa ibang salita, sa halip na pahintulutan ang Diyos na turuan sila patungkol sa Kaniyang sarili, kanilang isinasawalang bahala ang katotohanan tungkol sa Diyos, at kung ano ang Kaniyang sinasabi tungkol sa Kaniyang sarili. Sila ay tumatangging maniwala na ang Diyos, ang manlilikha ng kalawakan, ay mas komplikado pa kaysa sa ipinapahintulot ng kanilang pangunawa.
Hinding hindi maaaring gamitin ang mga sumusunod na salitang Griyego kung ang salitang "Diyos" ang simuno(subject).
Sa Griyego, ang sinasabi ng talata ay:
Pros de ton huion ho thronos sou ho theos
Sapagkat parehong ang "thronos" (trono) at "theos" (Diyos) ay articular - iyon ay, sapagkat mmayroon sila parehong article na "ho" - ang simuno (subject) sa pangungusap ay, natural, ang una. Ang salin na sinasanggunian ng INC ay ginagawa na ang salitang "Diyos" ang simuno (subject), kahit na ang salitang "Diyos" ang ikalawang pangngalan sa parirala (phrase). Kung atin lamang pagbabasihan ang balarilang Griyego, ang iminumungkahing salin ng INC ay may pagkukulang.Bukod pa rito, hindi rin maaaring gamitin ang mga nasabing salitang Griyego kung ang salitang "Diyos" ang panaguri (predicate). Hindi ito iminumungkahi ng INC, subalit maaaring mangyaring magbago ang kanilang pagiisip at ito ay kanilang gawin. Gayunpaman, maaaring-maari na ang mga nabanggit na salitang Griyego ang gagamitin kung ang salitang "Diyos" ay vocative. Sa ibang salita, ito ang talagang dapat nating asahang makita kung ang Anak ang pinatutungkilan na Diyos. Para sa karagdagang impormasyon sa balarilang Griyego ng Hebreo 1:8, maaring puntahan ang sanaysay na ito
Ang talatang ito ay nagsasabing "Ang iyong trono, O Diyos" sa Hebrew na Lumang Tipan.
Dagdag pa rito, bigo ang INC unawain na ito ay isang sipi hango sa Lumang Tipan, na nakasulat sa Hebrew, na nagsasabing,
Mga Awit 45:6 (ADB) - Ang iyong luklukan, O Diyos, ay magpakailan-kailan man.
Setro ng kaganapan ang setro ng iyong kaharian;
Kahit sa Hebrew, ang talatang ito ay pinatutungkulan ang kinakausap na Diyos. Kitang-kita, na kapag isinalin ang talatang ito sa Griyego, nararapat nating asahan na mananatili ang kahulugan nito. Ipinapahayag ng INC na ang katibayang ito ng tamang salin ng Hebrew na Lumang Tipan ay walang kahalagahan. Subalit, hindi sila nagbibigay ng kahit anong lehitimong dahilan upang ipagsawalangbahala na lamang ang katibayang ito.
Ang talatang nagsasabi ng "Ang iyong trono, O Diyos" sa Griyegong salin ng Lumang Tipan.
Ang Septuagint, ang salin sa Griyego ng Lumang Tipan, ay binabanggit (quoted) ng may-akda ng sulat para sa mga Hebreo higit pa sa kahit sinong manunulat ng Bagong Tipan. Sa saling ito, ang hari sa Mga Awit 45 ay pinatutungkulan na "dunate" (ang makapangyarihan), kung saan ito ay napakalinaw na vocative. Nangangahulugan ito na ang may-akda ng sulat para sa mga Hebreo, sa kaniyang pagsangayon sa Septuagint, ay naiintindihan na ang talata ay pinatutungkulan ang hari, hindi sa paraang ang hari ay ang simuno (subject) ng pangungusap.
Konklusyon
Ang INC ay walang sapat at tamang dahilan upang tanggapin ang maling pagsasalin ni Dr. Goodspeed na higit pa sa mga kinikilala, lubos na tinatanggap, at may lubos na kinakatigang mga salin na nagsasabing si Hesus ay Diyos. Ang tangi nilang dahilan upang tanggihan ang tamang salin ng talata ay dahil ayaw nilang tanggapin na si Hesus ay Diyos. Ang kanilang totoong naisin ay ang pagsikapang ipakita ang kanilang kapangyarihan ay pumapaibabaw sa Banal na Kasulatan imbis na hayaan ang Banal na kasulatan na pamunuan sila.
[1] Tingnan ang sanaysay ng INC na ito.