Ano ang itinuturo sa atin ng kwento ng isang Pariseo at ng Maniningil ng Buwis patungkol sa pagsisisi?
Sino ang matuwid sa harap ng Diyos at ano ang tunay na pagsisisi? Ang mahalagang na tanong na ito ay sinagot ni Hesus sa pamamagitan ng isang pambihirang talinghaga kabilang ang dalawang magkaibang tao: ang Pariseo at ang Maniningil ng Buwis.
Nalalaman natin na ang tunay na pagsisisi ay may kalakip na pagpapakumbaba at pagkilala sa ating mga nagawang kasalanan. Nalalaman din natin na ang isang huwad na pagsisisi ay kadalasang nahahayag sa pamamagitan ng kapalaluan at hindi pagkilala sa kasalanan.
Ang pagpapawalang-sala ay nangangahulugang tayo ay itinuturing na ng Diyos na matuwid sa Kanyang harapan.
Lucas 18:9-10 (AB-TAG) - Isinalaysay rin niya ang talinghagang ito sa ilan na nagtitiwala sa kanilang sarili, na sila'y matutuwid at hinahamak ang iba. 10 “Dalawang lalaki ang pumunta sa templo upang manalangin. Ang isa'y Fariseo, at ang isa'y maniningil ng buwis.
Ang nais ng dalawang tao sa kwentong ito ay ang "pagpapawalang-sala" ng Diyos sakanila. Ang pagpapawalang-sala ay ang pagpapagiging matuwid sa harap ng Diyos.
Mga Taga-Roma 3:23-24 (AB-TAG) - yamang ang lahat ay nagkasala, at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos; sila ngayon ay itinuturing na ganap ng kanyang biyaya bilang kaloob sa pamamagitan ng pagtubos na na kay Kristo Hesus
Kailangan natin ang pagpapawalang-sala upang tayo ay maging matuwid sa harap ng Diyos dahil tayo ay hindi bigong abutin ang Kanyang pamantayan.
Ang Pariseo ay palalo.
Lucas 18:11 (AB-TAG) - Ang Fariseo ay nakatayo at nanalangin sa kanyang sarili ng ganito, ‘Diyos, pinasasalamatan kita na hindi ako gaya ng ibang mga tao, na mga mangingikil, mga di makatarungan, mga mangangalunya, o gaya man ng maniningil ng buwis na ito.
Ang Pariseo ay bulag sa kanyang kasalanan. Hindi maipagkakaila na siya ay nakagawa na rin ng napakaraming kasalanan na nagtulak sa kaniya upang lubos na mangailangan ng pagpapatawad ng Diyos. Sa halip na lumapit sa Diyos at humingi ng kapatawaran, sinubakan pa niyang mangatwiran sa pamamagitan ng pagsasabing higit siyang mabuti kaysa sa ibang tao. Sa katotohanan, kanyang sinabi sa Diyos na siya ay matuwid. Sinabi ni Hesus na ang Pariseo ay hindi tunay na matuwid at kalaunay mapapahiya dahil sa kanyang pag uugali.
Ang Pariseo ay umasa sa kanyang mabubuting gawa
Lucas 18:12 (AB-TAG) – “Dalawang ulit akong nag-aayuno sa isang linggo, nagbibigay ako ng ikapu sa lahat ng aking kinikita!’
Kasunod nito, ipinagyabang pa ng Pariseo ang kanyang mabubuting gawa. Inaakala ng Pariseo na siya ay magiging matuwid sa pamamagitan ng pagsunodsa niya sa Kautusan. Tinukoy niya ang kanyang mga mabubuting gawa upang makamtan ang Kaligtasan at biyaya ng Diyos.
Ang Maniningil ng Buwis ay mapagpakumbaba
Lucas 18:13a (AB-TAG) - Subalit ang maniningil ng buwis, na nakatayo sa malayo ay ayaw itingin man lamang ang kanyang mga mata sa langit, kundi dinadagukan ang kanyang dibdib
Di tulad ng Pariseo, ang Maninigil ng Buwis ay mapagpakumbaba. Ang maninigil ng Buwis ay kinikilala ang kanyang kasalanan at nahihiya dahil dito na hindi man lamang niya magawang tumingin sa langit. Alam niya sa kanyang sarili na siya ay nagkulang sa pagsunod sa perpektong kautusan ng Diyos.
Ang Maniningil ng Buwis ay nagiwala sa habag ng Diyos.
Lucas 18:13b (AB-TAG) - na nagsasabi, ‘Diyos, mahabag ka sa akin na isang makasalanan.’
Naunawaan ng Maniningil ng Buwis na kailangan niya ng habag. Alam niya na hindi niya kayang iligtas ang kanyang sarili sa pamamagitan ng kanyang mabubuting gawa o katuwiran. Siya ay tumangis sa Diyos at huminhigi ng habag at kapatawaran. Sinabi ni Hesus, narinig ng Diyos ang kanyang ang kanyang pag tangis ang kanyang pag tangis at siya ay pinatawad na. Siya ay umalis sa lugar na iyon na ibinilang na matuwid.
Kung tutuusin, wala namang kahanga-hanga sa ng Maniningil ng Buwis at sa kaniyang panalangin. Ito ay panalangin ng isang tao na labis na nagpapakumbaba.
Ang totoong pagsisisi ay makikita sa lubusang pagtitiwala sa habag ng Diyos at hindi sa kung anumang mga gawa o gawaing pangrelihiyon ng isang tao.
Sino sa dalawang taong ito ang itinuring na matuwid sa paningin ng Diyos? Ang Pariseo ba na palagiang dumadalo sa Templo, mahigpit na sinusunod ang batas ng kanilang Relihiyon at hindi nakikipagtalamitam sa mga taong makamundo? O ang Maniningil ng Buwis na siyang umaamin sa kanyang sarili na hindi siya nararapat sa presensya ng Diyos?
Lucas 18:14 (AB-TAG) - Sinasabi ko sa inyo, nanaog patungo sa kanyang bahay ang taong ito {ang maniningil ng buwis} na inaring-ganap sa halip na ang isa. Sapagkat ang bawat nagmamataas sa kanyang sarili ay ibababa, ngunit ang nagpapakababa sa kanyang sarili ay itataas.”
Ang Maniningil ng Buwis ay itinuring na matuwid ng Diyos at ang Pariseo naman ay itinuring na makasalanan! Ang Maniningil ng Buwis ay aminado sa kanyang sarili na hindi niya kayang iligtas ang kanyang sarili sa pamamagitan ng kaniyang pagiging masugid na taga sunod ng kanyang Relihiyon o ng kanyang mabubuting gawa. Sa halip, ang tanging paraan lamang upang ang isang tao ay maging matuwid sa harap ng Diyos ay ang pagtanggap ng tao sakanyang sarili na siya ay makasalanan, ang pagpapasya na tumalikod sa kasalanan at ang lubusang pagtitiwala sa kahabagan ng Diyos.
Konklusyon
Nawa ay matuto tayo sa kwento ng Pariseo at ng Maniningil ng Buwis. Ang sinumang totoong nagsisisi ay kinikilala ang lalim ng kanyang kasalanan at tanging nagtitiwala lamang sa habag ng Diyos. Samantala, ang isang taong namang huwad ang pagsisisi ay hindi kinikilala ang lalim ng kanyang kasalanan at umaasa sa kanyang mabubuting gawa at mga gawaing pangrelihiyon upang iligtas ang kanyang sarili.
Ang Iglesia ni Kristo ay nagtuturo na ang isang tao ay maaaring maging matuwid sa harap ng Diyos sa pamamagitan ng pagdalo sa mga Gawain at pagpapasakop sa pamunuan ng kanilang simbahan. Ito ay talagang katulad ng paniniwala ng Pariseo at siya ay umuwing hindi pinawalang-sala ng Diyos.
Dapat nating tularan ang Maniningil ng Buwis: ipinapahayag ang ating mga kasalanan at nagtitiwala Sakanya na nagpapawalang-sala sa mga makasalanan.
1 Juan 1:9 (AB-TAG) - Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, Siya ay tapat at banal na magpapatawad sa ating mga kasalanan at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan.